NAGSAGAWA ng relief drive ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga biktima ng Bagyong Egay sa Ilocos Region.
Mismong si PCSO General Manager Mel Robles ang nanguna sa aktibidad sa San Julian Norte, Vigan, Ilocos Sur.
Bukod sa San Julian, nag-abot din ng tulong sina Robles at ang executive assistant nitong si Arnold Arriola kina Gov. Jerry Singson at local officials ng Vigan.
Nagkaroon din ng sabayang bigayan ng ayuda ang mga tanggapan ng PCSO sa La Union, Ilocos Norte at Kalinga.
Ang paggalaw ng PCSO ay pagtugon sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ipaabot ang lahat ng tulong ng gobyerno sa mga nasalanta ng bagyo.
Tiniyak naman ni Robles na hindi uurong ang PCSO sa pagtulong sa mga nangangailangan.
“Our office is committed to providing immediate relief to the affected families in collaboration with the local organizations and government units,” ani Robles.
Sa nagdaang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., binanggit doon ang 20% increased revenues ng PCSO sa ilalim ng termino ni Robles.
Ngayong araw naman, Hulyo 28 ang unang taon nang panunungkulan ni Robles bilang lider ng PCSO.