NAITALA ng Department of Agriculture (DA) ang inisyal na P1.54-B na halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.
Ayon sa DA, kabilang ang mga agri lands sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, at Caraga ang nasalanta ng Bagyong Egay.
Nasa halos 100,000 magsasaka at mangingisda, tinatayang aabot sa 66,075 metriko tonelada ang volume loss of production na sakop ng higit 110,000 ektarya ng sakahan at taniman.
Lubhang naapektuhan ang iba’t ibang commodities tulad ng palay, mais, high value crops, livestock, poultry, and fisheries sector.
Inaasahang tataas pa ang halagang pinsala sa agrikultura dahil sa patuloy na isinagawang validation ng iba’t ibang DA Regional Field Offices.
Gayunpaman, plantsado na rin ang ipamamahaging tulong ng DA sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.
Bukod sa mga binhi ng palay, mais gulay, makatatanggap din ng fingerlings ang mga mangingisda, gamit at biologics naman para sa livestock at poultry sector.