IPINAGMAMALAKI ng aktres na si Marian Rivera ang achievements ng kaniyang anak na si Zia.
Sa Instagram post ni Marian, ibinahagi ng proud mom ang mga larawan ni Zia na sumali sa isang swimming competition noong weekend kung saan nakatanggap ito ng anim na medalya.
Suportado rin ni Dingdong Dantes ang kaniyang 7-year old swimming champion na nag-post din ng mga larawang kuha sa kompetisyon.
Matatandaang nanalo rin ng medalya si Zia sa isang swimming competition noong Marso 2023.