Herlene Budol, nilinaw na ‘magpapahinga lang muna’ mula sa beauty pageants

Herlene Budol, nilinaw na ‘magpapahinga lang muna’ mula sa beauty pageants

NILINAW ni Herlene Budol na magpapahinga na muna siya mula sa beauty pageants.

Kasunod ito nang sinabi ni Budol sa isang vlog na magpapaalam na ito sa pageantry dahil na-realize niya na hindi siya karapat-dapat na irepresenta ang Pilipinas sa international competitions.

Bilang paglilinaw, sinabi niya na hindi ibig sabihin na hihinto na siya sa pagsali.

Aniya, pagagalingin na muna niya sa ngayon ang kaniyang sarili at mag-focus muna sa kung anong meron siya ngayon.

Matatandaang nasungkit ni Budol ang korona para sa Miss Philippines Tourism 2023 subalit hindi ito ang sasali sa Miss Tourism World para sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble