INAPRUBAHAN kamakailan ng National Agrarian Reform Community Task Force (NARCTF) ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang Midsayap, North Cotabato, bilang agrarian reform community (ARC).
Ito ay upang makatanggap ng iba’t ibang suportang serbisyo mula sa pamahalaan.
Karamihan sa mga lupain sa nasabing lugar ay sakop ng nasa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program o mga lupang sakop ng CARP na naipamahagi na sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs).
Napili ang Western Midsayap Agrarian Reform Community matapos makapagpaunlad sa pamumuhay ng mga ARB sa komunidad na ito.
Ang aktibidad na ito ay naaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na mapaangat ang pamumuhay ng mga magsasaka.