Mga nagmomotor na gumagamit ng bicycle lane sa EDSA, huhulihin ng MMDA simula Agosto 21

Mga nagmomotor na gumagamit ng bicycle lane sa EDSA, huhulihin ng MMDA simula Agosto 21

HUHULIHIN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga nagmomotor na gumagamit ng bicycle lane sa EDSA simula Agosto 21.

Disregarding traffic sign ang violation ng mga mahuhuli at may kaakibat na P1,000 multa.

Ayon sa MMDA, ang bicycle lane ay inilaan para sa mga nagbibisikleta at hindi para sa mga motorcycle riders.

Base sa monitoring ng MMDA sa EDSA, napakaraming motorcycle riders ang dumaraan sa bicycle lane kaya hindi na magamit ng mga nagbibisikleta.

Dagdag ng ahensiya na ang bike lane ay hindi fast lane para sa mga motorcycles.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble