Cashless policy, ipatutupad sa lahat na sakop na kulungan, penal farms ng BuCor

Cashless policy, ipatutupad sa lahat na sakop na kulungan, penal farms ng BuCor

MAGPAPATUPAD na ang Bureau of Corrections (BuCor) ng cashless policy sa lahat ng kanilang sakop na kulungan at penal farms.

Sinabi ni BuCor General Gregorio Catapang, imbis na tumanggap ng cash ay bibigyan nila ang bawat persons deprived of liberty (PDL) ng booklet gaya ng ginagamit sa bangko.

Hanggang 2-K ang maaaring tanggapin ng PDLs bawat linggo.

Bilang tugon na ito ng BuCor sa mga ulat na ginagamit ng PDLs ang mga pera sa ilegal na mga business transaction.

Maiiwasan na rin aniya ang makapangialam ang Correction officers sa pera ng mga PDL.

Ang sinumang BuCor personnel na mahuling may hinahawakang booklet ng PDL ay tatanggalin sa serbisyo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble