100 BuCor personnel, inalis sa puwesto dahil sa mga kontrabando

100 BuCor personnel, inalis sa puwesto dahil sa mga kontrabando

INALIS muna sa puwesto ang nasa 100 Bureau of Corrections (BuCor) officers at personnel para sa ginagawang imbestigasyon sa mga kontrabando na narekober sa loob ng Bilibid.

Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nakabalik na naman sa loob ng Bilibid ang kontrabando.

Nagawa na aniya kasing linisin ni BuCor Director General Gregorio Catapang, Jr. ang Bilibid nang maupo ito sa puwesto.

Mayroon aniya ginawang Oplan Galugad kamakailan at narekober doon ay mga patalim, granada at mga construction materials.

At higit dito, uso na rin aniya ang GCash sa mga preso.

Ayon kay Catapang, mayroon silang ginagawang imbestigasyon dito na naging dahilan para alisin muna sa puwesto ang nasa halos 100 na taga BuCor kung saan 20 dito ay mga BuCor officers.

Pero ang mga opisyal at empleyado na ito habang naka-relieve sa puwesto ay nasa barracks lang at sumasahod pa rin.

Ayon kay Sec. Remulla, ipasisilip nila sa Civil Service Commission ang problema sa mga personnel ng Bilibid.

Baka aniya ay marami nang dapat iparetiro doon lalo na’t ang iba nakaugalian at nakasanayan nang gumawa ng kalokohan.

Ang iba aniya dito hindi angkop ang kaalaman sa correction.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble