PASOK na sa sina Novak Djokovic at Coco Gauff sa 2023 US Open Semifinals.
Tinalo ni Djokovic ang kaniyang kalaban sa US na si Taylor Fritz sa score na 6-1, 6-4, 6-4 sa men’s quarterfinal match na ginanap sa Arthur Ashe Stadium ng New York.
Samantala, tinalo ng US sixth seed na si Coco Gauff si Jelena Ostapenko ng Latvia sa women’s quarterfinals sa buong laban, sa score na, 6-0, 6-2, sa Arthur Ashe Stadium.
Nakatakdang magtapos ang US Open sa men’s final sa Linggo, na susundan ng women’s finals makalipas ang isang araw.