Agarang pagbuo ng code of conduct sa South China Sea, iginiit ni PBBM

Agarang pagbuo ng code of conduct sa South China Sea, iginiit ni PBBM

IGINIIT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang agarang pagbuo ng code of conduct sa South China Sea.

Nagpulong ang mga matataas na opisyal ng Pilipinas at China sa naganap na ASEAN-China Summit sa Jakarta Indonesia.

Nagkaharap sina PBBM at Chinese Premier Li Quiang sa ASEAN-China Summit sa Jakarta Indonesia.

Sa gitna na rin ito ng tensiyon ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Kaya sa pagtitipon ng iba’t ibang heads of state sa ASEAN, harapang sinabi ni Pangulong Marcos ang saloobin ng Pilipinas sa territorial dispute.

“We must emphasize that practical cooperation in the maritime domain can only flourish with an enabling environment of regional peace, security, and stability, anchored in international law,” saad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Harapan ding sinabi ng Pangulo sa mga kapwa opisyal kasama ang Chinese Premier na patuloy na igigiit ng Pilipinas ang kaniyang karapatan sa pinag-aagawang teritoryo.

Bago ang 43rd ASEAN Summit, naglabas ng bagong 10-dash line map ang China sa South China Sea.

Pero, nauna nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi katanggap-tanggap ang bagong mapa sa Pilipinas.

“The Philippines therefore continues to uphold the primacy of the 1982 UN Convention on the Law of the Sea as the framework within which all activities in the seas and oceans are conducted.  We once again reaffirm our commitment to the rule of law and peaceful settlement of disputes,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Kung si Indonesian Pres. Jojo Widodo naman ang tatanungin, dapat manaig ang paggalang sa pagitan ng mga bansang claimant sa South China para manatili ang kapayapaan.

“This concrete cooperation will only be possible when we have trust in one another, which of course needs to be built and maintained by all parties. And one of them is by respecting international law,” pahayag ni Indonesian President Joko Widodo.

Kaya para maibsan ang mga tensiyon sa pinag-aagawang teritoryo, iginiit ni Pangulong Marcos ang kahalagahan na maisapinal agad ang code of conduct (COC) sa South China Sea.

“The early conclusion of an effective and substantive COC that is in accordance with international law, including the 1982 UNCLOS, remains the goal for ASEAN and for China,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

Nitong Agosto, sa Pilipinas ginawa ang pinakahuling pag-uusap hinggil sa pagbuo ng COC.

Pero, naunang sinabi ng Pilipinas na kailangan ng ‘conducive environment’ bago magkaroon ng code of conduct.

Lalo na’t bago lamang nagkaroon ng water cannon incident sa isang resupply mission sa Ayungin Shoal.

“The Philippines firmly rejects misleading narratives that frame the disputes in the South China Sea solely through the lens of strategic competition between two powerful countries. This not only denies us our independence and our agency, but it also disregards our own legitimate interests,” wika ng Pangulo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble