IKINATUTUWA ng Philippine National Police (PNP) ang magandang relasyon ngayon sa pagitan ng pamahalaan at MILF at MNLF.
Ito’y matapos dagsain ng dating Moro rebels ang recruitment process ng PNP nitong mga nakaraang buwan kung saaan mahigit sa 100 rito ang nakapasa at kasalukuyang sumasailalim sa pagsasanay.
Sa panayam kay PNP Public Information Office chief police Colonel Jean Fajardo, sinabi niyang magandang senyales ito sa nais ng pamahalaan na maitaguyod ang kapayapaan sa bansa partikular na sa Bangsamoro Region.
Nauna nang nilinaw ng PNP na ang mga bagong Moro police personnel ay itatalaga lamang sa BARMM para tutukan ang kaayusan sa lugar lalo na ngayong papalapit na ang Barangay at SK Elections.
Umaasa ang PNP na magpapatuloy ang programang ito para sa mga dating miyembro ng MILF at MNLF sa ngalan ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa.