ARAW ng Martes ay isinalang sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang pagdinig sa ad interim appointment ni Health Secretary Ted Herbosa.
Sa kaniyang pagsalang sa komisyon ay maraming mambabatas na miyembro ng CA ang nais magtanong sa kalihim.
Dahil sa kakulangan ng oras ay ipinagpaliban muna ang deliberasyon.
Pero hindi rin kakayanin na ipagpatuloy bukas ang deliberasyon dahil abala ang mga mambabatas sa budget hearing ang mga miyembro ng CA.
Ang pagdinig sa appointment ni Sec. Herbosa sa DOH ay alanganin.
Araw ng Miyerkules kasi ay nakatakdang mag-recess ang session ng Kongreso.
Ayon kay Sen. Bong Go, dahil sa bigong makumpirma si Herbosa bago ang recess ay kailangan siyang i-re appoint ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa parehong puwesto para patuloy na magampanan ang kaniyang tungkulin.