MAAARING magtrabaho ang Pinoy seafarers sa itatayong mga offshore wind farm sa bansa.
Ayon kay Wind Energy Developers Association of the Philippines Inc. President Jose Ildebrando Ambrosio, kailangan lang nilang sumailalim sa isang upskilling upang maging “fit” sa trabaho.
Batay sa tala ng Department of Energy (DOE), nasa 79 na offshore wind contracts ang pinahintulutan nila na isagawa sa bansa.
Tinatayang nangangailangan ito ng 280-2,800 manggagawa sa unang installation.
Inaasahang mangangailangan din ito ng hanggang 9,800 sa 2040.