Remdesivir, malaki ang naitulong sa paggaling ng PNP personnel vs COVID-19

MALAKI ang naitulong ng gamot na remdesivir sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas, lumalabas na sa 30 personnel na nasa quarantine facility na pinainom nila ng remdesivir ay 29 ang gumaling matapos ang limang araw.

Habang isa ang inilipat sa ospital dahil sa iba pang sintomas.

Tiniyak ng chief PNP na tama ang paggamit nila ng remdesivir sa tulong ng dalawang doktor mula pa sa malalaking ospital sa bansa.

Aminado si Sinas na mahal ang nasabing gamot pero ginagamit nila ito upang matiyak ang mabilis na paggaling ng kanilang mga tauhan.

(BASAHIN: PNP Maritime Patrol, tutulong sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea)

 SMNI NEWS