COMELEC, pormal nang iprinoklama si Roberto Uy Jr. bilang kongresista ng unang distrito ng Zamboanga del Norte

COMELEC, pormal nang iprinoklama si Roberto Uy Jr. bilang kongresista ng unang distrito ng Zamboanga del Norte

PORMAL nang iprinoklama ng Commission on Elections (COMELEC) si Roberto Uy Jr. bilang kongresista ng unang distrito ng Zamboanga del Norte.

Ito ay matapos ipawalang bisa ng Special Provincial Board of Canvassers sa sesyon sa Palacio del Gobernador ngayong umaga ang naunang deklarasyon ng pagkakapanalo ni Romeo Jalosjos, Jr.

Ito ay kasunod na rin ng kautusan ng Korte Suprema na dapat si Uy ang ideklarang panalo para sa posisyon dahil ito ang nakakuha ng pinakamaraming boto.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter