NAISAGAWA na ang ikatlong batch ng pagpapakawala ng treated radioactive wastewater mula sa Fukushima Nuclear Plant nitong Nobyembre 20, 2023.
Ayon sa operator ng planta na Tokyo Electric Power Company Holdings, naging “smooth” ang takbo nito.
Ang marine samples naman mula rito ay may mababang lebel ng radio nuclides kung ikukumpara sa international safety standards ayon sa plant operator.
Ngayon ay hiniling ng Japan na tanggalin ng China ang ipinapataw na seafood ban nito sa kanilang mga produkto lalo na’t ang Beijing ang isa sa pinakamalaking importers nila.
Samantala, ang unang batch ng treated radioactive wastewater ay nai-release noong Agosto habang buwan ng Oktubre ang ikalawang batch.