Ilang hydro power plants, hindi muna ginagamit para matiyak ang sapat ng water supply ngayong El Niño—DOE

Ilang hydro power plants, hindi muna ginagamit para matiyak ang sapat ng water supply ngayong El Niño—DOE

MAAARING tumagal hanggang ikalawang quarter ng 2024 ang pag-iral ng El Niño phenomenon ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Dahil dito naglabas sila ng abiso na paghandaan ang epekto ng El Niño hanggang sa 2024.

Bilang tugon, ang Department of Energy (DOE) ay hindi na muna ginagamit ang mga hydro power plant.

Sinabi ni Energy Secretary Raphael Lotilla na ito ay para matiyak ang sapat na suplay ng tubig sa gitna ng El Niño.

“Hindi tayo nagdedepend sa ngayon sa hydro power plants precisely because nagkaroon na tayo ng abiso galing sa PAGASA na magprepare tayo for the El Niño. Para hindi mababawasan ‘yung tubig na kailangan para sa agrikultura at water supply,” ayon kay Sec. Rapahel Lotilla, DOE.

Kabilang sa mga hydro powerplant na hindi ginagamit at sumasailalim sa maintenance ngayon ay ang Angat at Kalayaan.

“Based on our projection and our assumptions that we will have 70% deration of the hydro capacity,” ayon kay Dir. Irma Exconde, Electric Power Industry Management Bureau.

Sapat na suplay ng kuryente ngayong El Niño, tiniyak

Sa kabila nito ay tiniyak ng DOE na magiging sapat ang suplay ng kuryente para sa susunod na taon sa panahon ng El Niño.

Ngunit inaasahan pa rin aniya ang mga interruption sa mga power plant.

“We are looking at adequate levels but even if these are adequate we are also anticipating that there might be interruptions in the plants especially the coal fired power plants may not be working at the optimal levels.”

“Sometimes the coal fired power plants do not work very well under very hot temperatures,” dagdag ni Sec. Rapahel Lotilla.

Upang mabawasan ang mga power interruption siniguro ng DOE ang pagkakaroon ng alternatibong power plant gaya ng natural gas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble