PBBM, tinaasan ang gratuity pay ng mga Medal of Valor Awardee ng AFP

PBBM, tinaasan ang gratuity pay ng mga Medal of Valor Awardee ng AFP

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang pagdiriwang ng ika-88 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Quezon City.

PRES. FERDINAND MARCOS, JR.

I extend to you my warmest greetings – I extended it to the officials, troops, and employees of the Armed Forces of the Philippines as we celebrate our 88th Anniversary.

Ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ang pagtaas ng lifetime monthly gratuity pay ng mga kasalukuyang Medal of Valor Awardees ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ay bilang bahagi ng suporta at pagpapahalaga ng administrasyon sa kanilang katapangan at kabayanihan.

Sa kaniyang talumpati sa 88th Founding Anniversary ng AFP, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagtaas ng kanilang gratuity pay ay sa rekomendasyon ng Department of National Defense (DND) at ng AFP.

PRES. FERDINAND MARCOS, JR.

This will provide them with a tangible – this will provide our heroes with a tangible and a meaningful reward, highlighting our commitment to support and to honor our war heroes.

Kinilala naman ng Punong-Ehekutibo ang mga kontribusyon at sakripisyo ng mga uniformed personnel na walang humpay sa pagsugpo sa mga masasamang elemento upang matiyak ang seguridad ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino.

Kaugnay nito, inaasahan ni PBBM ang higit pang mga dekada ng mahusay at walang pag-iimbot na paglilingkod ng AFP sa bayan.

PRES. FERDINAND MARCOS, JR.

As you continue to play a vital role in the government’s various initiatives, it is my fervent hope that your institution will remain relentless in countering lawless elements that intend to sow fear and distrust amongst our people.

Si Pangulong Marcos ay guest speaker sa ika-88 Founding Anniversary ng AFP na ginanap sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City nitong Huwebes, Disyembre 21, 2023.

Sinaksihan din ni Pangulong Marcos ang parada ng iba’t ibang military assets ng AFP at ang paggawad ng pagkilala sa mga tauhan nito.

Nakatuon sa temang, ‘AFP@88: Rising over the Challenges in the Service of the Nation,’ ang selebrasyon ngayong taon.

Ito ay naglalayong ipakita ang pag-unlad ng AFP tungo sa pagiging isang world-class na sandatahang lakas.

Ang naturang event ay dinaluhan din nina DND Secretary Gilberto Teodoro Jr., AFP Chief-of-Staff General Romeo Brawner Jr., NSA Eduardo Año, Former President at ngayo’y Congw. Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang opisyal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble