60 mga firefighter nurses ng Bureau of Fire Protection – Bicol (BFP Bicol) ang boluntaryong nagpa-deploy upang makatulong sa COVID-19 response.
Kinumpirma ng BFP Bicol na may mga firefighter nurses na mula sa iba’t ibang lugar ng rehiyon ang boluntaryong nagpa-deploy upang tumulong sa nagpapatuloy na laban kontra COVID-19.
Ayon kay Fire Inspector Aramis Aristhedes Balde, Information Officer ng BFP Bicol, ginawa ang deployment ng mga volunteers sa 2 batches.
20 rito ay ipinadala sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital o BRTTH sa Albay, 18 naman ang ipinadala sa National Capital Region (NCR) habang ang 40 na natitira ay ipinadala sa Philippine Arena na matatagpuan sa Santa Maria, Bulacan.
Pahayag ni Balde, maayos naman ang deployment na isinagawa sa mga tauhan ng ahensya dahil maliban sa pagkain ng mga ito ay provided din ang kanilang matitirhan, mga Personal Protective Equipment o PPE’s, at transport vehicles pati na rin ang psychosocial support ng mga ito.
Ayon sa plano, mananatili ang mga volunteers sa mga nasambit na pasilidad sa loob ng 3 buwan simula ngayong buwan ng Mayo ngunit magdedepende pa rin ito sa sitwasyon ng lugar na kanilang pupuntahan.
(BASAHIN: DOH-CHD Bicol, nag-abiso na patungkol sa kompletong impormasyon sa mga nagpopositibo)