MAHIGIT 400 na ang naitalang casualties ng Department of Health (DOH) kaugnay sa mga paputok at ligaw na bala.
Sa pinakalatest report ng DOH hanggang 12:00 ng tanghali nitong Enero 2, 2024, sa kabuuang 443 na mga insidente, 212 ang naitala nitong pagsisimula ng taong 2024.
Sa 212, nasa 206 sa mga nasugatan ay natamaan sa kanilang bahay o habang nasa kalye.
102 dito ay dahil natamaan ng legal na mga paputok at mula sa 102 ay 94 lang ang aktibong sangkot sa pagpapaputok.
Sa kabuuan, sa 443 na naitalang injuries mula Disyembre 21 at Enero 2, 441 dito ay dahil sa paputok.
Habang ang isa ay nakalunok ng watusi at ang natitirang isa pa ay dahil sa ligaw na bala.
Pinakamaraming naitalang insidente sa National Capital Region (NCR).