Isa sa pinakamalaking search engine technology, magbabawas ng daan-daang empleyado

Isa sa pinakamalaking search engine technology, magbabawas ng daan-daang empleyado

MAGBABAWAS ng daan-daang empleyado ang pinakamalaking search engine technology na Google bilang hakbang sa kanilang pagbabawas din ng gastos.

Ayon sa Google, partikular na maapektuhan dito ang kanilang voice assistants maging ang mga empleyado mula sa kanilang hardware team na responsable para sa pixel, nest at fitbit.

Aalis na rin ang co-founders ng fitbit na sina James Park at Eric Friedman sa kompanya.

Maliban dito, may iilan pa sa ibang section ng Google ang mababawasan at hanggang sa ngayon ay hindi pa tiyak ng tagapagsalita ang kabuuang bilang ng mga matatanggal.

Noong nakaraang taon naman ay inanunsiyo na ng Google na gagamit sila ng artificial intelligence (A.I.) sa kanilang mga operasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble