MAY babala ang Department of Transportation (DOTr) sa lahat ng PUV drivers at operators na maaaring tanggalan ng prangkisa ang sinumang hindi tumatalima sa health protocols na itinakda ng IATF.
Katulad ng social distancing at sapat na sakay na mga pasahero nito na dapat hindi mag-overload alinsunod sa guidelines ng IATF.
“Failure by the driver and the operator to enforce these health and safety protocols could possibly lead to the suspension or revocation of their franchise, as these can be considered breaches of their franchise conditions. Kung wala namang physical distancing, overloading ‘yan,” ani Sec. Tugade.
Matatandaan na muling nagpaalala ang DOTr sa kahalagahan ng pagpapatupad ng safety protocols sa mga pampublikong sasakyan.
Mula nang bumalik na sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan nito ay marami na rin ang nagsisilabasang tao mula sa kanilang mga tahanan.
Dahil dito, binuksan na rin ng DOTr ang kalahating porsyento ng mga bumabyaheng pampublikong sasakyan.
Ito’y bilang tulong na rin sa mga drayber para may pandagdag-kita.
At hindi lang sa mga drayber kundi maging sa mga mananakay na pumapasok sa kanilang mga trabaho.
Pinaaalahan rin ni Tugade ang mga drivers at operators na palaging mag-sanitize ng mga sasakyan dahil sila ang kaagapay ng pamahalaan sa pagbangon ng ekonomiya at sila rin ang nasa frontlines.
“I am reminding our PUV drivers and operators that they are the government’s partners in the fight against COVID-19. Their participation in this fight is crucial as they are the ones on the frontlines. They should not just ensure that their vehicles are sanitized all the time, but must also be constantly reminding passengers of the need to observe basic health protocols,” pahayag ni Tugade.
Muling binigyang diin din ni Tugade ang kanyang utos sa Land Transportation Office (LTO), the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) na paigtingin nito ang kanilang ginagawang operasyon laban sa mga PUV drivers na hindi tumatalima sa guidelines ng IATF.
May direktiba naman si Tugade sa mga ahensyang sangay ng DOTR na hulihin ang mga kolorum na mga sasakyan na iligal na namamasada sa loob at labas ng Metro Manila.
Matatandaan na nitong Abril lang ay nasa 80 katao ang naharang ng mga awtoridad sakay ang isang kolorum na sasakyan na mula sa NCR papuntang Bicol Region na nagpositibo sa COVID-19.
Kaya naman muling hinikayat ng opisyal ang lahat na mga drivers at operators na maging kaakibat ng pamahalaan sa paglaban nang pandemya.
(BASAHIN: Health protocols vs COVID-19, pinahihigpitan sa PUV operators at drivers)