NAKAPAGBIGAY na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng nasa P13-M halaga ng tulong sa lahat na apektado ng mga pag-ulan at pagbaha sa Davao Region.
Nitong Biyernes, Enero 19, 2024, mahigit dalawampu’t isang libo at dalawang daan (21, 203) na food packs ang ipinamahagi sa Davao del Norte, Davao de Oro, at Davao Oriental batay sa ulat ni DSWD-Davao Regional Director Vanessa Goc-ong.
May inaasahan din silang darating na halos 54,900 food packs mula sa Visayas Field Office ngayong Sabado, Enero 20.
Sa kasalukuyan, nasa tatlong libo at anim na raang (3,664) pamilya o katumbas ng labing isang libo at walong daan (11,797) katao ang nananatili sa 60 evacuation centers sa Davao Region.