NAGDEKLARA ng state of calamity ang bayan ng Asuncion sa Davao del Norte nitong Miyerkules matapos mahigit sa 6-K na pamilya ang lumikas dahil sa pagbaha.
Bunsod ng shear line ang pag-ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha sa buong Davao del Norte kung saan apektado ang mahigit sa 16-K na pamilya.
Habang sa siyudad ng Tagum City naman ay inilikas ang mga residente patungo sa Laureta Elementary School sa Brgy. San Miguel.
Bagamat hindi na umuulan sa Brgy. Canocotan, patuloy na tumaas ang antas ng baha, at may mga pamilyang naipit sa kanilang mga tahanan.
May ilang motorista naman sa Brgy. Pagsabangan na na-stranded kaya’t inilipat sila sa mas malalaking sasakyan.