MAS gusto ng mga Pilipino na makatanggap ng pera kaysa sa anumang regalo ngayong araw ng mga puso.
Ito ang lumabas sa national survey ng Social Weather Stations (SWS) noong araw ng Linggo.
Mula sa top 10 na pangunahing bagay na lumabas sa survey na gusto ng mga Pilipino ay nangunguna ang money (pera) na nakakuha ng 16%, sinundan ito ng love and companionship (pag-ibig at pagsasama) na may 11%.
Pangatlo naman dito ang flowers na sinundan ng apparel o damit.
Pareho namang nakakuha ng tig-5% na boto ang any gift from the heart, mobile phone, watch and jewelry, at good family relationship.
Nakakuha naman ng tig-3% ang food and grocery items, at chocolates.
Isinagawa ang face to face na fourth quarter 2023 survey ng SWS noong Disyembre 8-11, 2023 na nilahukan ng 1,200 adults sa buong bansa.