MAGKAKAROON ng solo concert ang pop icon ng Backstreet Boys na si Nick Carter para sa kaniyang ‘Who I Am’ World Tour 2024.
Gaganapin ang nasabing world tour sa Mayo 23, 2024 sa New Frontier Theater at Waterfront Hotel Ballroom sa Cebu kasama ang kaniyang bagong single na ‘Never Break My Heart (Not Again), ‘Made for Us’ at ‘Superman’.
Naging matagumpay rin ang naging tour ni Carter sa US, Canada, at South Africa na naging pahiwatig ng kaniyang pagbabalik sa entablado bilang solo artist matapos ang pitong taon.
Samantala, available ang ticket sa Ticketnet outlets at SM tickets outlets sa Cebu at Manila.