No Lenten Break Policy, ipatutupad ng Bureau of Immigration

No Lenten Break Policy, ipatutupad ng Bureau of Immigration

SA paggunita ng Semana Santa, ipinatupad ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang No Lenten Break Policy sa kanilang mga tanggapan sa buong bansa.

Ibig-sabihin, bawal munang mag-leave ang kanilang mga tauhan sa kasagsagan ng Semana Santa.

Ito’y para matiyak na may sapat na manpower ang ahensiya sa lahat ng international ports sa buong bansa kabilang na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Magtatagal naman ang No Lenten Break Policy ng BI hanggang sa Abril a-uno.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble