Nationwide caravan ng Immigration na may alok na mga serbisyo, nag-umpisa na

Nationwide caravan ng Immigration na may alok na mga serbisyo, nag-umpisa na

PORMAL nang sinimulan ng Bureau of Immigration (BI) ang Nationwide Service Caravan na magbibigay ng maginhawang access sa mga mahahalagang serbisyo para sa mga dayuhan sa mga piling lugar sa buong Pilipinas.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na simula ngayong araw ay maglalakbay ang caravan at magtutungo sa mga pangunahing rehiyon sa Luzon, Visayas, at Mindano.

Kabilang aniya sa proyekto ang mabilis na pagproseso sa iba’t ibang mga transaksiyon tulad ng tourist visa extensions, exit clearances, dual citizenship applications, at iba pang mahahalagang clearances.

Sa pamamagitan din aniya ng caravan ay maaaring dumulog o magsampa ng reklamo laban sa mga ilegal na dayuhan sa kanilang lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble