Demoralisasyon sa liderato ng PNP, maiiwasan sa appointment ng bagong hepe—retiradong opisyal

Demoralisasyon sa liderato ng PNP, maiiwasan sa appointment ng bagong hepe—retiradong opisyal

WELCOME development para kay Retired General Johnny Macanas Sr. ang appointment ng bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Ang dating hepe ng Comptrollership Division ng PNP at former Director ng Eastern Visayas Police na lugar ng mga Romualdez ang bagong hepe ngayon ng PNP sa katauhan ni Police General Rommel Francisco Marbil.

Ayon kay Macanas—sa kaniyang The General’s Viewpoint Vlog sa YouTube na maiiwasan ang demoralisasyon sa hanay ng PNP leadership sa pag-upo ngayon ni Marbil.

Nangyari na aniya ang demoralization sa security sector noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.—ang ama ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ilang ulit na palawigin ang termino noon ng kaniyang AFP Chief of Staff.

‘To me, napakagandang development ito kasi baka mamaya i-eextend na naman si General Acorda naku po! Mag-cause po ng demoralisasyon among PNP Officers,’ ani Macanas.

Kung matatandaan, December 2023 pa sana ang mandatory requirement age ni Acorda. Subalit, pinalawig ng Pangulong Marcos Jr. ang kaniyang termino hanggang May 31, 2024.

Umaasa naman si Macanas na tuluy-tuloy na ang promotion ng mga bagong lider ng PNP sa baba dahil sa appointment ni Marbil.

‘Kasi once na nagre-retire ang AFP Chief or PNP Chief, ambilis ng promotion din ng nasa baba,’ sambit ng dating Heneral.

May halos isang taon pa si General Marbil na pamunuan ang PNP.

Follow SMNI NEWS on Twitter