REGALO ni Suho ng South Korean Boy Group na EXO sa kaniyang fans ang isang collaboration song nito kasama si Wendy ng Girl Group na Red Velvet.
Magiging pamagat ng kanta ay “Cheese” at isa ito sa pitong kanta para sa tracklist ng kaniyang upcoming third mini-album na “1 to 3”.
Ang scheduled release ng album ng singer ay sa Mayo 31, 6PM KST (Korean standard time).
Subalit bago pa man ang album release ay maglalabas muna ito ng kanta na may pamagat na “Asrai, Closer” sa Mayo 4 na isa sa official soundtrack ng palabas na “Missing Crown Prince” kung saan tampok rin ang singer.