SINUSPINDE ng Myanmar ang pagbibigay ng permit para makapag-trabaho abroad ang mga kalalakihan mula sa kanilang bansa.
Ilang linggo ito matapos inanunsyo nila ang Military Conscription Law o Mandatory Military Service sa loob ng dalawang taon na dahilan para magsialisan ang libu-libong mga kalalakihan mula sa Myanmar.
Taong 2010 pa nang ipinakilala ang kanilang Military Service Law subalit hindi ito naipatupad.
Samantala, tinatayang nasa 13 milyong katao ang karapat-dapat na mag-enlist sa military service.