IPINAPASURI ngayon sa Kamara ang prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco) bago ito pahintulutang makapag-renew.
Dapat masagot muna ng Meralco ang mga isyu na kinakaharap nila lalo na ang “change of ownership” mula Lopez Group papuntang Manuel V. Pangilinan noong taong 2009.
Ayon sa House Committee on Legislative Franchises, hindi naipaalam sa Kongreso ang naturang proseso kung kaya’t isa ito sa mga maaaring sanhi na tanggihan ang renewal ng Meralco franchise.
Samantala, sa taong 2028 pa ang expiration ng prangkisa ng Meralco.