SA taong 2028 ang target ng Department of Transportation (DOTr) para makumpleto ang nasa 2.4K na kilometro ng bike lanes sa buong bansa.
Tiniyak ni DOTr Sec. Jaime Bautista na ang lahat na gagawing bike lanes ay protektado mula sa motor vehicles.
Bilang bahagi ito para itaguyod ang active transport habang sinisigurado ang mga gumagamit ng bike lanes mula sa road accidents.
Samantala, mayroon ding ginagawa na walkways ayon sa DOTr para sa kaligtasan ng mga pedestrian.