OPM girl group na BINI, mayroon nang official website

OPM girl group na BINI, mayroon nang official website

MAYROON nang official website ang OPM girl group na BINI.

Dahil dito, para sa fans na nais makakuha ng access sa mga exclusive content gaya ng videos, photos at posters ng upcoming events ng BINI members, maaari nang bisitahin ang bini.global.

Kaakibat ng website launching ay ang pagiging available na rin ng merchandise ng grupo.

Taong 2021 nang mag-debut ang 8-member group na BINI sa pamamagitan ng kanilang single na “Born to Win”.

Lubos namang sumikat ang grupo dahil sa kanilang mga kanta tulad ng “Pantropiko” at “Salamin, Salamin.”

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble