HINDI makapaglalaro si Kristaps Porzingis ng Boston Celtics sa pagsisimula ng 2024-2025 NBA Season.
Dahil ito sa kaniyang left leg surgery ayon sa general manager ng Boston Celtics na si Brad Stevens.
Matatandaang noong NBA Finals ay na-dislocate ang posterior tibialis tendon ni Porzingis.
Dahil dito ay hindi na nakapaglaro ang basketbolista sa Game 3 at 4 ng Finals.
Nakapaglaro naman ito muli sa Game 5 kahit may injury at nakapag-ambag ng puntos para makamit ang ika-18 NBA championship ng Celtics.