TINIYAK ng Hezbollah militant-group ng Lebanon na isasali nila ang Cyprus sa kasalukuyang kaguluhan ng Hamas at Israel.
Ito ay kung tutulungan ng Nicosia ang Jerusalem sa pamamagitan ng pagpapahintulot na gamitin ang kanilang ports sa weapon deliveries ng Israeli military.
Mapapansing pinapahintulutan din ng Cyprus na gamitin ang kanilang ports bilang daanan sa anumang humanitarian assistance papuntang Gaza.
Ang Hezbollah ay kakampi ng Hamas militant group ng Palestine ngayong nagpapatuloy ang Gaza War.
Walong buwan na ring nagpapalitan ng mga pag-atake ang Lebanon at Israel dahil dito.