Ilang empleyado ng PAGCOR, umangal dahil sa pagsasapribado ng isang casino sa Malate, Maynila

Ilang empleyado ng PAGCOR, umangal dahil sa pagsasapribado ng isang casino sa Malate, Maynila

UMAPELA na sa Court of Appeals (CA) ang ilang mga empleyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation Employees (PAGCOR) para ipawalangbisa ang pinasok na kasunduan ng ahensiya sa isang pribadong kompanya para mag-operate ng Casino.

Sa inihaing Petition for Certiorari and Prohibition, hiniling ng PAGCOR Employees Association sa CA na ipawalang bisa ang kasunduan ng PAGCOR at Marina Square Properties Incorporated, para sa privatization.

Sabi ng mga empleyado, naglabas ng Memorandum Order ang Governance Commission on GOCC noong Mayo na pinapayagan ang PAGCOR para maipsapribado ang pamamahala sa New Coast Hotel & Casino sa Malate, Manila

Ayon sa grupo nasa 929 na mga empleyado na nasa plantilla positions ang naidetail dahil sa privatization.

Makailang beses na rin daw silang sumulat kay PAGCOR Chairman Alejandro Tengco para sa kanilang kalagayan ngunit hindi daw umano sila nabigyan ng pagkakatong mapag-usapan ang kanilang sitwasyon.

Hindi rin daw muna sila kinonsulta bago gawin ang kasunduan.

Hirit pa nila, maliban sa mga apektadong manggagawa, apektado rin umano ang kikitain ng bansa dahil sa naturang privatization, lalo pa’t baka raw madamay pa ang ilang mga branches ng PAGCOR.

Ang ibang manggawang nagkaroon na raw ng serious medical condition dahil ang iba daw doon ay 20 taon ng nagtratrabaho sa PAGCOR.

Dahil dito, banat ng grupo kay Pangulong Bongbong Marcos, protektahan naman ang mga gov’t employees mula sa privatization.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble