HINIKAYAT ni Sen. Christopher “Bong” Go ang buong hanay ng Pambansang Pulisya na manatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Lalong-lalo na aniya sa mga panahon na maraming pagsubok na nangyayari sa Pilipinas.
Ipinaalala niya pa sa mga ito na huwag magpagamit sa kahit anumang politikal na agenda.
Ang pahayag ay bilang tugon sa aniya’y maraming isyu na kinasasangkutan ng Philippine National Police (PNP) sa kasalukuyan.