PANALO sa katatapos lang na World Masters Athletics Championship si CG Seawoman First Class (SW1) Reizel Buenaventura.
Nakuha ni Buenaventura ang silver medal sa Women’s Pole Vault na ginanap sa Gothenburg, Sweden nitong Agosto 17, 2024.
Nakapagtala si Buenaventura ng 3.15 meters sa nasabing kompetisyon.
Proud naman ang buong hanay ng PCG sa ibinigay na karangalan nito sa bansa.