IBA’T ibang matataas na kalibre ng armas ang natunton ng pinagsamang pwersa ng 14th Infantry Battalion at ng 93rd Infantry Battalion na pawang nasa ilalim ng 8th Infantry Division ng Philippine Army.
Ang mga armas ay nakubkob sa liblib na lugar sa Barangay Mahilum, Hindang, Leyte at dahil sa sumbong ng mga dating miyembro ng komunistang teroristang grupo kaya ito narekober ng mga otoridad.
Kabilang sa mga nakuhang armas ay isang M60 machine gun, isang M16 rifle, at isang M14 rifle. Para sa panig ng pamahalaan, ang pagkakakuha ng nabanggit na mga armas ay maituturing na isang malaking tagumpay.
Sa panayam ng SMNI News kay Capt. Jefferson Mariano Chief Division Public Affairs Office (DPAO) ng 8th Infantry Division, indikasyon aniya ito na epektibo ang kanilang ginagawang kampanya sa laban sa komunistang teroristang grupo sa Eastern Visayas dahil mismong ang mga dating miyembro na nila ang nagbibigay ng impormasyon kung nasaan itinatago ang kanilang mga armas.
“This is a strong indication na talagang we are winning in our campaign dito sa eastern visayas. As you can see, ‘yung mga former rebels na mismo ‘yung nagbibigay ng mga locations ng mga firearms na ito na kung saan … iniwan na ng kanilang grupo dahil nga hindi na nila magamit dahil wala nang humahawak, dahil nag-surrender na rin ang ibang mga kasama nila,” ayon kay Capt. Jefferson Mariano Chief, Division Public Affairs Office, Philippine Army.
Maliban sa sumbong at mga impormasyon na ibinibigay ng mga dating rebelde, sinabi ni Mariano na malaking tulong din aniya sa pagkamit ng kapayapaan ay ang implementasyon ng mga programa ng pamahalaan na humihikayat sa mga miyembro ng CTGs na sumuko at magbalik loob sa gobyerno.
“Ini-encourage natin sila na kung saan makipag-participate and of course, makipag-engage sa atin para makuha natin ‘yung mga issue and concerns nila, and isa na rin ito na naging daan kumbaga kung paano nag-surrender itong mga former rebels na ito dahil nakakausap natin ang mga pamilya nila,” wika ni Capt. Jefferson Mariano.
Pinasalamatan naman ni BGen. Noel Vestuir Commander ng 802nd Infantry Brigade ang mga dating miyembro ng CTGs dahil sa kanilang mga naging kontribusyon at patuloy na kooperasyon para matigil na ang armadong pakikibaka sa kanilang lugar
“The families of our Friends Rescued (FRs) have shown their commitment to support our efforts to end the local communist armed conflict. Their encouragement for loved ones to cooperate with the government is a testament to the trust and confidence inspired by our FReE Families Program,” saad ni BGen. Noel Vestuir Commander, 802nd Infantry Brigade, 8th ID, PA.
Pinuri naman ni MGen. Adonis Ariel Orio, Commander ng 8th Infantry Division ang pagsisikap ng bawat ahensiya upang manatiling payapa at maayos ang buong region 8.
“This achievement underscores our progress in eradicating insurgency and dismantling its networks. We remain steadfast in our mission to deliver lasting peace to Region 8. The people deserve to live without fear, and we are committed to making this a reality,” sabi ni MGen. Adonis Ariel Orio Commander, 8th ID, Philippine Army.
Kasabay ang panawagan sa mga natitirang miyembro ng komunistang grupo na sumuko at magtulungan para sa maayos na kinabukasan.
“I call on all remaining CTG members to lay down your arms. The government is prepared to help you reintegrate into society and address your concerns. Together, we can build a peaceful and prosperous future,” dagdag nito.