ISINUMITE na ng AFP-CLOAC sa Commission on Human Rights (CHR) ang mga bagong kaso ng paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) ng New People’s Army (NPA).
Umabot nasa 166 na mga bagong kaso ang haharapin ng CPP-NPA-NDF.
Ayon sa pinakahuling ulat ng Human Rights sa United Nation, isa sa nabanggit sa ginanap na virtual forum ay ang pang-aabuso ng New Peoples Army (NPA) na kung saan, sa tulong na ginagawa ng the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay mas lalong lumalakas ang pwersa ng gobyerno laban sa komunisatng teroristang grupo.
Ang pang-aabuso na ginagawa ng CPP-NPA-NDF ay ipinagbigay alam na sa Oral Report ng UN Office of High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet, na ipinarating noong Oktubre 7 sa plenaryo ng 48th seesion ng UN Human Rights Council sa Geneva, Switzerland.
Sinabi ni Bachelet, na ang kaniyang opisina ay nakatanggap ng mga ulat sa pang aabuso ng NPA ng Communist Party of the Philippines, kasama ang pagpatay ng sibilyan, recruitment ng kabataan at pangingikil.
Ang mga pahayag ni Catura ay dumating kasunod ng 166 na bagong kaso ng mga paglabag ng NPA sa International Humanitarian Law (IHL) na isinumite noong Oktubre 19, 2021, ng Armed Forces of the Philippines ‘Center for Law of Armed Conflict (AFP-CLOAC) bilang pagpapatunay sa Commission on Human Rights.
Nakapaloob sa 166 na kaso ay ang pangrerecruit at paggamit sa kabataan para isali sa armadong pakikibaka, paninira ng mga pribadong ari-arian, pag gamit ng Anti-Personnel Mines (APM), at mga pamamaslang.
Umabot na sa 1,672 mga insidente ng pang aabuso ng NPA mula 2010 hanggang ang nakalap at iniulat ng AFP-CLOAC. Kasama sa nabanggit na insidente ay ang 544 na kasong “abduction of children” na pwersahang ginagawang mandirigma.
Para kay Bachelet, ang mga ulat ng pang aabuso ng NPA ay hindi na bago para sa kaniya, ayon kay Undersecretary Severo Catura ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict spokesperson on Human Rights, peace process and international engagement.
Dagdag pa ni Catura na hindi na ma-aaring isantabi ang pang-aabuso ng NPA dahil sa laki ng pinsalang idinudulot nito sa buhay at seguridad ng mga Pilipino.
“I am sure that the UN High Commissioner must have been completely appalled on learning of these atrocities reported to her by Human Rights defenders and private individuals,”ayon kay Severo Catura.
“And the sad part, these atrocities continue,”dagdag nito.
Ang NPA, kasama ang CPP, ay kabilang na sa terrorist organization simula pa ng August 12, 2002, kung saan si Joma Sison na Founder ng CPP ay nasa ilalim ng Specially Designated National and Blocked Persons List (SDN List) ng Estados Unidos.