TINIYAK ng North Luzon Expressway (NLEX) na bago matapos ang buwan ng Marso ay muling bubuksan ang apat na linya ng Northbound Lane na pansamantalang isinara upang ayusin ang nasirang Marilao Interchange Bridge.
Sa mga motoristang dadaan, partikular na isinara ay ang lane 2 at 3 o ang gitnang bahagi ng 4 na Northbound lanes ng NLEX sa Marilao.
Ang pagkukumpuni ay magsisimula na 1 P.M ngayong araw, Marso 24 hanggang sa Marso 28, 2025.
Marso 19 nang masira ang Marilao Interchange Bridge matapos tamaan ng isang 18-wheeler truck na papuntang Bataan.
Ang naturang truck ay may taas na 4.9 metro at lampas na sa itinakdang 4.2 metrong height limitation.