Japan pumayag na pondohan ang P65.4B big-ticket projects sa bansa

Japan pumayag na pondohan ang P65.4B big-ticket projects sa bansa

PUMAYAG ang Japan na pondohan ang ilang big-ticket infrastructure projects sa Pilipinas na nagkakahalaga ng P65.4B.

Kasama rito ang climate at universal healthcare programs ng gobyerno.

Noong Marso 24, 2025, nilagdaan ng mga kinatawan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at mga opisyal ng Pilipinas ang limang financing agreements.

Tatlo rito ay supplementary financing agreements para sa isang road project sa Mindanao, habang ang dalawa ay major flood control projects sa Luzon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble