56 Pilipino mula Lebanon, ligtas na nakauwi sa Pilipinas

56 Pilipino mula Lebanon, ligtas na nakauwi sa Pilipinas

LIGTAS na nakarating sa NAIA Terminal 3 ang 52 Overseas Filipino Workers (OFWs) at apat na kanilang mga dependent mula sa Lebanon nitong Martes ng hapon, sa ilalim ng voluntary repatriation program.

Pagdating sa NAIA, agad silang binigyan ng tulong pinansyal, medikal, pangkabuhayan, at airport assistance mula sa isang “whole-of-government” team na pinamumunuan ng Department of Migrant Workers (DMW). Kasama rin sa team ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Manila International Airport Authority Medical, Department of Social Welfare Development, at Technical Education and Skills Development Authority.

Bukod sa agarang tulong, bibigyan din sila ng reintegration support mula sa National Reintegration Center for OFWs ng DMW para matiyak ang kanilang produktibo at matatag na pagbabalik sa kanilang mga komunidad.

Ang repatriation ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na tulungan ang mga OFW na naapektuhan ng hidwaan sa pagitan ng Lebanon at Israel.

Mula nang magsimula ang giyera noong Oktubre 2023, mahigit dalawang libo’t walong daan na OFWs at isang daan at pitong (107) dependents na ang napauwi ng pamahalaan mula sa Lebanon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble