PITX pinaghahandaan ang 2.3M na pasahero ngayong Mahal na Araw 2025

PITX pinaghahandaan ang 2.3M na pasahero ngayong Mahal na Araw 2025

PINAGHAHANDAAN ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang 2.3 milyong pasahero ngayong Mahal na Araw, na inaasahang magsisihanay sa Holy Wednesday at Holy Thursday.

Ayon kay PITX spokesperson Jason Salvador, magsasabay-sabay ang mga pasahero na karamihan ay mga daily wage earner at hindi makapag-leave sa trabaho.

Nagkaroon na sila ng pag-uusap sa mga operator upang matiyak na may sapat na bilang ng mga bus, at nakipag-ugnayan na rin sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga espesyal na permit.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble