PLANONG palawakin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang market reach ng Pilipinas sa South America at Middle East matapos itaas ng Estados Unidos ang taripa sa mga produkto ng Pilipinas.
Ayon kay DTI, pinipili nilang mag-export sa mga bansa na may demand sa produkto ng Pilipinas tulad ng semiconductor, niyog, at iba pang agrikultural na produkto.
Ipinataw ng Estados Unidos ang 17% na taripa sa mga produkto ng bansa, ngunit ayon kay US President Donald Trump, mas mababa ito kumpara sa mga karatig-bansa tulad ng Cambodia, Vietnam, at Thailand.