P132M naipamahaging tulong ng DSWD sa mga biktima ng Bulkang Kanlaon

P132M naipamahaging tulong ng DSWD sa mga biktima ng Bulkang Kanlaon

NASA P132M na ang naipamahaging humanitarian assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Kanlaon.

Ang tulong ay binubuo ng mga family food packs, non-food items, at pinansyal na ayuda.

Maliban dito, ibinahagi ng ahensiya na mayroon silang P93 milyon na standby funds, kasama na ang mga non-food items gaya ng hygiene kits, family kits, kitchen kits, at modular tents na maaaring ipamahagi.

Sa tala ng Disaster Operations Monitoring and Information Center ng DSWD, hanggang Abril 10, nasa 12,761 na mga pamilya o 48,850 na indibidwal sa buong Negros Islands ang naapektuhan ng aktibidad ng bulkan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble