Mga nasawi matapos gumuho ang isang nightclub sa Dominican Republic mahigit 200 na

Mga nasawi matapos gumuho ang isang nightclub sa Dominican Republic mahigit 200 na

UMABOT na sa 221 ang nasawi at 155 sugatan matapos bumagsak ang bubong ng nightclub sa Dominican Republic habang may ginaganap na concert.

Nasa 155 katao rin ang naitalang sugatan habang 189 naman ang matagumpay na nai-rescue.

Ayon sa Dominican Republic Emergency Operations Center nitong Huwebes, Abril 10, wala nang natitirang tao sa gumuhong nightclub kung kaya’t ihihinto na rin nila ang search and rescue operations.

Matatandaan na nangyari ang insidente bandang 12:34 ng hatinggabi noong Martes habang ginaganap ang isang concert ng Dominican merengue singer na si Ruby Perez.

Si Perez ay isa sa mga natagpuang patay sa gumuhong nightclub ayon sa National Police ng Dominican Republic.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble