Nat’l Amnesty Commission: Safe Conduct Pass para sa mga amnesty applicant, may bisa lamang na 15 araw

Nat’l Amnesty Commission: Safe Conduct Pass para sa mga amnesty applicant, may bisa lamang na 15 araw

INAPRUBAHAN ng Malakanyang ang Safe Conduct Pass para sa mga aplikante ng amnestiya, na nagbibigay sa kanila ng pansamantalang kalayaan habang tinatapos nila ang kanilang dokumento at nagbabalik-loob sa normal na pamumuhay. Ngunit, hindi ito para sa mga may warrant of arrest o may dalang armas.

Ayon kay National Amnesty Commission Chairperson Atty. Leah Tanodra-Armamento, ang Local Amnesty Board, ang may awtoridad magbigay ng Provisional Safe Conduct Pass, na may bisa lamang ng 15 araw mula sa pagbigay nito. Hindi ito pwedeng palawigin.

“But because it is the chairperson that has the authority—limited lang ito kasi hindi pa natin nakuha iyong ibang data sa NBI, sa pulis, sa AFP. So, 15 days lang ito,” wika ni Atty. Leah Tanodra-Armamento, Chairperson, National Amnesty Commission.

Ang Safe Conduct Pass ay magpapabilis sa proseso ng aplikasyon, dahil hindi na kailangang magtungo ang NAC sa iba’t ibang ahensiya para mangolekta ng dokumento.

Ayon sa NAC, may kabuuang 2,006 na aplikante as of Abril 21, at ang deadline ng aplikasyon ay hanggang Marso 2026.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble