Mayorya sa mga Pilipino, naniniwalang may problema ang demokrasya sa Pilipinas

Mayorya sa mga Pilipino, naniniwalang may problema ang demokrasya sa Pilipinas

Maynila, Pilipinas – Naniniwala ang mayorya ng mga Pilipino na may matinding suliranin ang demokrasya sa bansa, ayon sa pinakabagong survey ng Philippine Observatory on Democracy, isang inisyatibong pinamumunuan ng ilang mga academic at civic institutions.

Batay sa resulta ng survey: 64% ng mga respondents ang naniniwalang may problema ang demokrasya sa Pilipinas. Korapsyon at paglaganap ng pekeng balita (fake news) ang pangunahing dahilan na iniuugnay sa problemang ito.

Ayon sa observatory, nagpapakita ito ng malalim na pangamba ng publiko sa integridad ng pamahalaan, at ng tanong sa legitimacy at kredibilidad ng mga demokratikong institusyon.

Kaugnay nito, lumabas din sa parehong survey na: 62% ng mga Pilipino ang naniniwalang may mabuting epekto si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa estado ng demokrasya sa bansa.

Ang survey ay isinagawa mula Disyembre 2 hanggang Disyembre 21, 2024, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa kabuuang 842 respondents na may edad 18 pataas mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Ang Philippine Observatory on Democracy ay binubuo ng mga institusyong kabilang ang:

Ateneo de Manila University

Xavier University – Ateneo de Cagayan

Ateneo de Davao University

Ateneo de Naga University

Ateneo de Zamboanga University

The John J. Carroll Institute on Church and Social Issues

Simbahang Lingkod ng Bayan

“Ang resulta ng survey ay malinaw na panawagan para sa mas mataas na pamantayan sa transparency, accountability, at paglaban sa disimpormasyon sa ating lipunan,” pahayag ng observatory.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble